Brian Louie 's posts with tag: thank you letter

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
Blog EntryLiham ng PasasalamatMay 26, '08 6:56 AM
for everyone

Isang makapigil-hininga semestre at summer class na naman ang nag daan, marami akong napagdaanan sa walong buwan na lumipas at hinding-hindi ko ito malilimutan. Isa na rito ang pagkakaroon ko ng mga kaibigan na halos isang taon ko na rin nakasama. Paano ba nama’y kami-kami pa rin ang magkakasama sa seksyon kahit kami lang ang naiibang skedule sa buong batch namin. Ngunit dapat nating harapin na ang lahat ng simula at may katapusan. Malungkot mang isipin ngunit ilan sa amin ay hindi pinalad na makapasa sa battery exam, microbiology pati na pharmacology. Kaya imbis na maging masiya ako ay may halong lungkot rin akong naramdaman.

       

        Hangang sa ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na napagdaanan at napag tagumapayan ko ang mga pag subok sa aking buhay bilang second year nursing student. Kaliwa’t kanan mga exams. Hindi na naaawa pretest at post test at mahigit sa anim na pagsusulit sa isang araw. Napakapalad ko at nalampasan ko ang lahat ng iyon.

       

        Matapos ang battery exams, microbiology, pharmacology, nutrition (mga pamatay ng subject ng nursing) at idagdag mo pa ang mga responsibilidad bilang isang president ng klase  masaya ako at napagtagumpayan ko lahat na iyon. Pero hindi pa dapat matuwa ng labis dahil nasa kalahti palang ako ng buhay nursing student ko kaya marapat lang na pagsumikapan ko para maabot ang aking mga pangarap. Ajah!

        Sa araw-araw na ginawa ng diyos wala na akong ginawa kundi magbasa rito, memorize dyan. Ang break na isang oras nagiging sampung minuto habang ang naititira ay para sa pag aaral at pagmemeorize para sa susunod na subject. Pag uwi sa bahay matapos maghilamos at kumain, balik sa study table kapiling si pharma, katabi rin nutri. Mistulang isang kasalanan ang makatulog ka habang nag-aaral, dahil bokya ang abot mo. Minsan pag napapatingin ako sa kama ay may kung anong bagay na umaakit sa akin na ipikit ang aking mata at mahiga sa aking napakalambot na kama. Antok ang isa sa mga kalaban ko araw-araw para maipasa mahihirap majors ko.

        Hindi lang sandamukal na babasahin ang kakaharapin mo sa buhay ng isang nursing student, pati na ang mga propesor na ang kasiyahan ay makitang pula ang grado ng studyante at parang napakasakit na makitang naka-ngiti ang mga estudyante dahil sa mataas ang nakuha nilang grado. Isa pang expression sa nursing, laos na ang katagang epistaxis (nose bleed), mas kilala ngayon ang blood shed.

  Siya nga pala, parating na po ang aming “capping and pinning” namin na hudyat na simula ng panibagong kabanata sa aming buhay student nurse ito ay ang hospital duty, ang isa sa mga pinakahinihintay ko dahil sa wakas ay magagawa ko na sa totoong buhay ang aking mga natutunan sa paaralan.

        Labis ang aking kasiyahan sapagkat hindi kayo nagsasawang tulungan kami sa pinansyal na aspeto pati na sa maraming bagay. Sana’y samahan niyo mo pa po ako sa natitirang dalwang taon ko sa Trinity University of Asia- St. Lukes College of Nursing (formerly known as Trinity College of Quezon City) kasama ko po kayong abutin ang aking mga pangarap . Muli ay taos puso po akong nagpapasalamat.


© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help